Aminin Mo.. Rare To


Aminin Mo.. Rare To 
Yung taong laging nandyan para sayo. Sasamahan ka kahit saan, kahit anong oras, kahit ano pang ginagawa niya, kahit wala siyang pera. Yung nasasabihan mo ng lahat ng bagay. Nagugutom ka, inaantok ka, matatae o nauutot ka man. Pag magkasama kayo, para kayong mga baliw. Feeling niyo, kayo lang ang tao sa mundo.

Magkasama kayo sa lahat ng trip. Pinauuna ka kapag sasakay ng jeep. Yayakapin ka kapg siksikan sa tren. Di baleng nakatayo sya, basta ikaw nakaupo pag nasa bus. Yung pipilitin niyang dalhin yung bag mo. Tapos bibigay niya yung bag niya para palit kayo. Yung lalaking papayag na make-upan mo, matuwa ka lang. Magsusuot ng ribbon matawa ka lang. Kekembot na parang bading ngumiti ka lang. Sasayaw kayo sa kalye kase favorite mo yung tugtog. Yayakapin ka kahit pawis na pawis ka at sasabihing ang bango bango mo. Hahalikan ka ng madaming madami.

Yung taong sasabihing maganda ka kahit kagigising mo lang. Yung taong tanggap lahat sayo. Hindi kailangang romantic basta ang cool niyo. Kilala ka niya at alam kung anong gusto mo. Hindi siya magsasawang magpicture na magkasama kayo. Yung taong bago pa sabihin yung “I love you”, naparamdam niya na ng todo.

Siya yung kahit kanino mo iwan, alam mong faithful sayo. Pagnahanap mo yun, swerte mo. Wag na wag mo nang pakakawalan yun. ♥♥♥





Source: Nicky Stars




0 comments:

Post a Comment

 
Copyright © My Pixelated Mind