Isang malupet na payo...



Stop loving someone who doesn't love you.

Hindi ka nga niya mahal e wag mo na pahirapan pa ang sarili mo, wag mo na din ipagpilitan ang hindi pwede at ang alam mong imposible. Alam mo naman siguro na sa simula palang e hindi na pwedeng maging kayo siguro oo may pagaasa pero alam mo na ngayon yung sitwasyon alam ko na mahal mo siya alam ko din na hindi ganun kadali na kalimutan yung pagmamahal mo sa kanya lalo na kapag naging magkaibigan kayo ng ilang panahon pero isipin mo din ang sarili mo at ang ikaliligaya mo. Kapag lalong kang umasa at pinapatuloy mo ang alam mong hindi talaga pwede lalo mo lang pinalulungkot at sinasaktan ang sarili mo! may choice ka naman e sadyang hindi mo lang ginagawa alam mo na yung tama pero ginagawa mo parin ang mali. Hindi mali ang umibig pero mali ang maging tanga lalo na sa taong hindi ka kayang mahalin pabalik. Sino ba siya para saktan ka at iyak mo ng ganun? sino ba siya para paglaan mo ng pagmamahal pero hindi naman pinahahalagahan? Tandaan mo worth it ka! para sa taong worth it din para sayo. Kaya please tigilan mo na magbago ka at mag move on ka maawa ka sa sarili mo at sa puso mo na sobra ng nasasaktan pwede ka naman maging masaya hindi nga lang sa kanya at alam ko may isang tao na mamahalin ka at mamahalin mo din higit pa sa pagmamahal mo sa nakaraan mo...





credits to : Admin Force 

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright © My Pixelated Mind