Sawnd-trak ng buhay mo!
Lahat siguro ng tao may isang kanta na madedeskrayb ng buhay
nya. Mapa balad man ito, hiphop, rak en rawl or kahit ano pang genre ng kanta.
Likas kasi satin ang mahilig sa musika at kanta, lalong lalo na mga Pilipino.
Marami na din naisulat na kanta na patungkol sa kwento ng
buhay ng kompositor na sumulat nito. Karamihan sa mga ito ay may diwa ng saya
at lungkot. Lungkot na bunga ng pagkasawi sa pag-ibig o lungkot sa paglisan sa
mundo ng mga mahal sa buhay. Meron din naman masayang tema na naisulat. Sayang
dulot na mula sa minamahal, o sayang dulot ng biglang pagyaman. Ang punto dito,
itoy mga kanta patungkol sa damdamin at pang araw araw na suliranin ng mga tao.
Pero syempre may isang kanta talaga na magdedeskyrayb sa
atin. Yung tipong pag narinig mo ito, masasabi mo na lang.. "Uyy kanta ko
yan!!!" At mapapasayaw ka na lang or mapapakanta na parang engot.. Magmuka
ka man engot, ok lang kasi, ikaw yun kanta, at masasabi mong ito ang kanta, ang
kanta ng buhay mo.
Anong sawndtrak ng buhay ko?? "Hari ng sablay" ng
Sugarfree. Bakit ito? Tinatanong pa ba yan? Halos lahat kasi ng nangyari sa
buhay ko, puro sablay na lang. Lalo na sa usaping peg-ebeg, nauso pa yan
raaawwwwrrr... Kelan kaya dadating yung
taong magtatama ng mali, ng mali sa buhay ko.. Teka cut cut!!! popoy,statue?
Wahahaha
Kayo!? Ano ang sawndtrak ng buhay nyo??? ;) <3
Comment comment din pag may time :))
0 comments:
Post a Comment